Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega, hindi lang si Mary Grace Piattos — na unang lumutang sa imbestigasyon– ang tila pekeng benepisyaryo mula sa naturang pondo.
Dalawang pangalan pa ang lumabas kung saan kinilala na ‘Pia Piatos-Lim’ at ‘Renan Piatos’ na may isa lamang na ‘T’ sa apelyido.
Isa pa sa kahina-hinalang pangalan na lumabas ang ‘Xiaome Ocho’ na tila hango sa isang cellphone model na Xiaomi 8.
“Grabe naman ang ‘special treatment’ sa pamilya Piattos. May Mary Grace Piattos, may Pia Piatos-Lim, may Renan Piatos. Ano bang meron sa kanila at parang qualified silang lahat makatanggap ng confidential funds?” pahayag ni Ortega.
“Ang akala natin, isang pangalan lang ang katawa-tawa sa listahan ng confidential funds recipients. Pero mukhang may buong pamilya na ng ‘Piattos’ at pati isang cellphone model na nakasama,” dagdag niya.
Sa pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na mula sa 1,992 pangalan na sinasabing tumanggap ng pondo mula sa OVP, 670 lang ang may posibleng match sa PSA records:
– 1,322 walang birth records
– 1,456 walang marriage records (536 lang ang posibleng match)
– 1,593 walang death records (399 lang ang posibleng match)
Umaasa ang mga mambabatas at ang publiko na sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay maipaliwanag o masagot ang mga katanungan tungkol sa lumalawak na kontrobersiya ng confidential funds sa kanyang tanggapan. – VC
Nadiskubre ng Kamara ang mas marami pang kahina-hinalang pangalan sa listahan ng mga tumanggap ng pondo mula sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).