IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga guro sa Negros Occidental, tinawid ang rumaragasang ilog sa gitna ng bagyong Gener

Ivy Padilla
248
Views

[post_view_count]

Teachers in Occidental Mindoro bravely crossed the raging river during the onslaught of Typhoon Gener. (Photo by Lenard Grijaldo/Facebook)

Buong tapang na sinuong ng mga guro mula Balatogan Elementary School sa Himamaylan, Negros Occidental ang rumaragasa at abot-dibdib na tubig sa isang ilog noong kasagsagan ng bagyong Gener nitong Setyembre 13.

Kwento ng school head na si Lenard Amban Grijaldo, sinuspinde ang kanilang pasok noong araw na iyon bunsod ng epekto ng bagyo kung kaya’t napilitan ang mga ito na umuwi na lamang sa kani-kanilang tahanan at tapusin ang mga nakalinyang gawain.

Matapos ang dalawang oras na paglalakad, nadatnan ng mga guro na negatibo nang makatawid sa kinasanayang ilog kaya’t lumipat ang mga ito sa isa pang katabing ilog.

Laking gulat nalang nila nang makitang malakas din ang ragasa ng tubig dito kahit pa mas maliit ito kaysa sa naunang ilog.

Ayon kay Lenard, naghintay sila kasama ang guide na si Mang Tony ng mahigit tatlong oras para pahupain at pababain ang lebel ng tubig.

“For 3 hours, bumaba ang tubig at tinry ni Mang Tony if kaya na bang tawiran ang ilog, kaya pinamadali niya kami dahil dumidilim na naman ang langit at nagbabantang umulan kay dali-dali niya kaming tinawid,” kwento ni Lenard.

Kahit delikado at nakakatakot, pinilit ng mga guro at ni Mang Tony na tawirin ang nasabing ilog dahil hindi na rin ligtas kung babalik sila sa paaralan na may banta naman ng landslide.

“Kailangan namin tumawid na kasi mahirap ma stranded sa gitna ng gubat, basa, gutom wala kaming dalang pagkain at ubos na rin ang aming tubig,” saad ng guro.

Paglilinaw ni Lenard, ang pagbabahagi ng kanilang karanasan ay hindi para hikayatin ang iba pang kapwa guro na maranasan din ang kanilang ginawa.

“It’s an eye-opener most especially those in higher position, to be considerate and sensitive enough to this kind of situation. Lalo na po kaming mga nasa far flung school nasa GIDA area wala po kaming Special Hardship Allowance,” pagbibigay-diin ni Lenard. -VC

Related Articles

Feature

Divine Paguntalan

145
Views

Feature

Ivy Padilla

766
Views

Feature

Alyssa Luciano

282
Views