IBCTV13
www.ibctv13.com

MVP, SMC maglalaan ng P120-B para sa pagtatayo ng elevated road mula Quezon City-Bulacan

85
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. announced a proposed P120-billion elevated road project linking Balintawak in Quezon City to Bocaue, Bulacan, as the government seeks to improve traffic flow, cut travel time and transport costs, generate jobs, and spur economic development through expanded infrastructure investments. (Photo courtesy of PCO)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamumuhunan ng P120 bilyon ng kumpanya ni Manuel V. Pangilinan (MVP) at San Miguel Corporation (SMC) para sa pagtatayo ng elevated road network na mag-uugnay sa Balintawak, Quezon City at Bocaue, Bulacan.

Sa sidelines ng pagbubukas ng North Luzon Expressway (NLEX)-C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A ngayong Huwebes, sinabi ng Pangulo na hinakayat niya ang dalawang grupo na magtulungan upang madagdagan ang mga alternatibong daanan at makatulong sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at karatig-lugar.

“Napakalaking bagay nito dahil ito ay dadaan nila doon sa NLEX-Meycauayan na ngayon maglalagay sila ng elevated. Ito yung pagsasama ng dalawang grupo, ng MVP at SMC,” ani Panguong Marcos Jr.

Ang proyekto ay nakikitang magpapababa ng gastos sa transportasyon, lilikha ng mga trabaho, at magpapasigla sa ekonomiya ng Pilipinas.

“Very good news ito para sa ating continuing construction para mapaganda ang daloy ng traffic sa atin, pagpapabilis at pagbaba ng transport cost, at magiging mas maginhawa ang paglalakbay ng ating mga workers,” giit ng Pangulo.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang public infrastructure spending upang muling makabawi ang ekonomiya ng bansa matapos ang mga isinagawang reporma ng Department of Public Works and Highways laban sa korapsyon ng flood control projects. – VC