IBCTV13
www.ibctv13.com

Pag-angkat ng mga produktong agrikultural mula US, makabubuti sa Pilipinas – DA

49
Views

[post_view_count]

Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. said importing agricultural products, especially commodities not farmed in significant volumes locally, such as soybeans can benefit the Philippines if sold at competitive prices. (File photo of Canva)

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na makabubuti sa Pilipinas ang pag-angkat ng mga produktong agrikultural mula sa iba’t ibang bansa, kasunod ng inanunsyong trade deal sa agrikultura at enerhiya ni United States (US) President Donald Trump kasama ang Pilipinas.

Sa isang ambush interview nitong Nobyembre 23, pinagtibay ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang mga pinagkukunan ng angkat na produkto para sa mas maraming alternatibo para sa bansa.

“Taking the cue from [the President], sinabi niya, mas magandang mas marami tayong iba’t ibang sources,” ani Laurel.

Ayon kay Laurel, maaaring mag-angkat ang Pilipinas ng mga produktong tulad ng soybean at wheat mula sa US kung maibebenta naman sa mas mababang presyo, lalo’t hindi naman pangunahing itinatanim ang mga ito sa bansa.

“Kung mura naman ibebenta siguro sa atin ang agri products na hindi naman natin fina-farm, why not?” ani DA official.

Sa press conference noong Nobyembre 20, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na makapagbibigay ng mas maraming opsyon sa Pilipinas ang naturang usapin, partikular sa pagkuha ng mga produkto sa kompetitibong presyo.

Bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan upang mapabagal ang inflation at mapalakas ang food at energy security ng bansa.

“‘Pag marami kang naaasahan, kahit magkaproblema ang isa, pwede ka pang tumakbo doon sa mga iba. That’s why the trade deal is important,” ani Pangulo.

Samantala, nilinaw ng punong ehekutibo na hindi pa pinal ang nilatag na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US. – VC