IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapabilis ng konstruksyon sa higit 7,300 kabahayan sa ilalim ng Expanded 4PH, posible na sa pagtutulungan ng Pag-IBIG at P.A. Alvarez

Michael Peronce
76
Views

[post_view_count]

Pag-IBIG Fund has inked an investment partnership with PAAPDC to accelerate the construction of over 7,300 affordable homes across 10 housing developments. (Photo courtesy to PIA, Pag-IBIG)

Pumasok ang Pag-IBIG Fund sa isang kasunduang pamumuhunan sa P.A. Alvarez Properties and Development Corporation (PAAPDC) para pabilisin ang pagkumpleto sa sa higit 7,300 na mga abot-kayang pabahay sa 10 housing developments sa Pampanga, Batangas, at Laguna.

Ito ay bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung saan 80% ng developments ay binubuo ng socialized housing habang ang 20% naman ay para sa economic housing units.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling, sumasalamin ang pagtutulungan sa patuloy na pagsisikap ng administrasyon na mapabilis ang paghahatid ng tahanan sa tulong ng matatag na pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor.

“Through this partnership, we are bringing together government financing and private-sector capability to increase housing supply, help more Filipino workers achieve the dream of homeownership, create jobs, support industries and drive inclusive economic growth,” pahayag ni Aliling.

Para pondohan ang konstruksyon ng housing developments, magsa-”subscribe” ang Pag-IBIG Fund sa preferred shares na ilalabas ng PAAPDC na nagkakahalaga ng P2.9 bilyon na babayaran sa bawat tranche.

Inaasahang kikita ang pamumuhunan ng “fixed annual return” na 9% sa susunod na tatlong taon.

“By supporting the construction of more than 7,300 affordable homes through a prudent investment that provides stable returns, we protect our members’ hard-earned savings, sustain competitive dividends and strengthen our capacity to finance even more homes for Filipino workers,” saad ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta.

Sumailalim ang nasabing pamumuhunan sa komprehensibong evaluation process ng Pag-IBIG Fund kung saan kabilang ang pagsusuri ng proposed developments, kanilang lokasyon at market demand, financial at operational capacity ng PAAPDC, at mga hakbang na isinama sa transakyon upang matiyak ang patuloy na proteksyon ng mga ipon ng miyembro.

Patuloy din ang pagsusuri ng Pag-IBIG ng karagdagang investment partnerships sa mga kwalipikadong housing developers bilang bahagi ng mas pinabilis na konstruksyon ng mga socialized at abot-kayang pabahay habang tinitiyak ang ligtas at napapanatiling kita para sa ipon ng mga miyembro. – VC