IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapalakas ng kooperasyon sa enerhiya, depensa, kalakalan, asahan sa pagbisita ni PBBM sa Canada

Michael Peronce
145
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. delivered his departure statement for his four-day official visit in Canada on Wednesday, July 1. (Photo from PCO)

Lumapag na sa Vancouver, Canada si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Huwebes, Hulyo 2 (PST), para sa apat na araw na official visit bilang bahagi ng pinalakas na kampanya ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang may kaparehong adhikain at pananaw.

Sa kanyang departure statement sa Villamor Airbase sa Pasay City, binigyang-diin ng Pangulo na nakatuon ang kanyang pagpupulong kay Canadian Prime Minister Mark Carney sa mga prayoridad ng Pilipinas bilang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Chair.

Kabilang sa kanilang magiging diskusyon ay may kinalaman sa seguridad sa enerhiya at pagkain, maritime cooperation, at proteksyon ng ASEAN nationals.

Sentro rin ng kanilang talakayan ang pagpapalawak ng kooperasyon sa sektor ng pagmimina, renewable at nuclear energy, information technology, telco, at maging ang pagbalangkas ng bilateral ‘plan of action’ na magiging gabay sa mga susunod pang kooperasyon.

“A key focus is the deepening of trade and investment relations, with the goal of increasing our two-way trade and bringing the Philippines within the investment radar of Canada’s economic players—the mining sector, IT-BPM, nuclear energy, telecommunications, cyber technology, and financial services, among others,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Kasabay nito, kinilala ng Pangulo ang suporta ng Canada sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) na sumasalamin sa nagkakaisang hangarin ng dalawang bansa tungo sa pagsunod sa rules-based international order sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang makasaysayang 2016 arbitral ruling.

“It may not be known to many, but Canada has been consistent and steadfast in its statements of support for the Philippines’ assertion of its sovereignty and sovereign rights, especially in the midst of the ongoing issues we are facing in the West Philippine Sea,” saad ng Pangulo.

Samantala, naniniwala si H.E. Jose Victor Chan Gonzaga, Philippine Ambassador to Canada, na mahalagang oportunidad ang pagpupulong nina Pangulong Marcos Jr. at Canadian PM Carney para matalakay ang mga bagay o ‘common interests’ na nag-uugnay sa dalawang bansa.

“I think it’s an opportunity for them to discuss what binds us together as two countries, as two nations, as it allows them to look to the future and set the vision for where they want to take this relationship in the future,” ayon kay Gonzaga.

Nakikita rin itong pagkakataon ni Gonzaga para matiyak ni Pangulong Marcos Jr. ang kalagayan at kapakanan ng Filipino community sa Canada.

“It’s really more for the development of the country. Many of our kababayans here in Canada continue to feel deeply for the interest and for the welfare of Filipinos not just for family members back home but for the country in general,” ayon sa Philippine Ambassador.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa Canada ang kauna-unahang official visit ng isang Pangulo ng Pilipinas sa nasabing bansa matapos ang higit isang dekada o noon pang 2015.

May humigit-kumulang na isang milyong Pilipino ang namamalagi sa Canada at itinuturing na pangalawa sa pinakamalaking Filipino diaspora sa buong mundo. – VC