IBCTV13
www.ibctv13.com

Pamahalaan, patuloy sa pagpapatatag ng suplay sa pagkain, pagprotekta sa sambahayan mula sa presyo ng mga bilihin

94
Views

[post_view_count]

The government is strengthening its measures to ensure an adequate food supply, reduced energy costs, and protection of households from the impact of rising prices of basic goods. (IBC FIle Photo)

Hindi tumitigil ang administrasyon sa paglikha ng mga inisyatiba upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain, mapababa ang gastos sa enerhiya, at maprotektahan ang sambahayan mula sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Kabilang sa mga hakbang ang pagsususpinde ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene, pagpapalawak ng Secondary Price Cap sa Visayas at Mindanao power grids, at pagsusulong ng toll waiver para sa mga truck na naghahatid ng mga produktong pang-agrikultura.

Pinalalawak din ng pamahalaan ang mga pasilidad para sa imbakan ng palay sa Tarlac at rollout ng unang aprubadong bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) upang mapanatili ang sapat na suplay ng baboy, lalo na sa papalapit ng holiday season.

Samantala, pinaiigting ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagbabahagi ng datos upang matulungan ang sektor ng agrikultura na makapaghanda sa posibleng epekto ng mga kalamidad.

Bilang paghahanda naman sa posibleng paglakas ng El Niño, pinaaaga ng pamahalaan ang pagbili ng mga agricultural input, pinalalawak ang food at cold storage facilities, gayundin ang pagsasagawa ng cloud seeding sa mga lugar na apektado ng tagtuyot at pagbibigay ng ayuda sa mga vulnerable community sa bansa.

Isinasagawa ang naturang mga programa sa kabila ng naitalang 7.2% na inflation nitong Setyembre, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“These are significant supply-side pressures, but they are being met with targeted interventions to mitigate the impact on households,” ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan. – MP