IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM at PM Carney, parehong kinilala ang private sector bilang mahalagang katuwang sa paglago ng ekonomiya

141
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and Canadian Prime Minister Mark Carney recognized during the press joint statement, the important role of the private sector as the Philippines transitions to an upper-middle-income country. (Photo courtesy of PCO)

Kinilala nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang mahalagang papel ng pribadong sektor sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas matapos umangat ang bansa patungong upper-middle-income country (UMIC).

Sa joint press statement sa Vancouver Convention Center nitong Huwebes, Hulyo 2 (Canada Time), sinabi ng Pangulo na isa sa mga pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon sa nakalipas na apat na taon ang gawing mas kaakit-akit ang Pilipinas sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan.

Ayon sa Pangulo, maaga niyang kinilala ang pribadong sektor bilang ganap na katuwang ng pamahalaan sa pambansang kaunlaran.

“And that has led us to the FTA (free trade agreement) now that we are talking about with Canada, and to the other 20-plus FTAs that we have been able to come and sign in the last four years,” dagdag nito.

Nauna nang iniulat ng World Bank na nakamit ng Pilipinas ang upper-middle-income status matapos umabot sa $4,850 ang gross national income (GNI) per capita ng bansa, mas mataas sa itinakdang $4,636 na threshold.

Sa kabila ng tagumpay, sinabi ng Pangulo na marami pang kailangang gawin ang pamahalaan upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya.

“We certainly still have a ways to go. But I think that, again, in terms of economic growth and in terms of being able to identify the sectors in our economy, and in our government as well, that need to be amended, that need to be modified, that need to be modernized,” giit ng Pangulo.

Samantala, hindi naman nababahala ang Pangulo sa posibilidad na tumaas ang interest rate sa mga pautang, dahil ang naging pagbabago sa katayuan ng ekonomiya ay inaasahang magpapababa sa pagdepende ng bansa sa foreign grants.

Sinuportahan naman ni PM Carney ang pahayag ng Pangulo.

“And if I may suggest as well, it is also the recognition of the importance of the private sector as a partner in overall development,” ani Carney.

Iginiit din ng Canadian leader ang kahalagahan ng rule of law, paggalang sa karapatang pantao, at transparency bilang mahahalagang bahagi tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

“That’s part of the positive aspect. Agreements such as we’re moving forward on today, including the prospect of a free trade agreement, are reinforcing all those factors,” dagdag ni Carney. VC