IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, hinikayat ang ASEAN na palakasin ang papel ng kababaihan sa pamumuno

84
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr., who also sits as ASEAN 2026 chair, led the opening ceremonies of the 4th ASEAN Women Leaders’ Summit at the EDSA Shangri-La in Mandaluyong City today, September 29. (Photo courtesy of PCO)

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na palakasin ang partisipasyon ng kababaihan sa pamumuno at mga proseso ng paggawa ng desisyon sa rehiyon.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 4th ASEAN Women Leaders’ Summit na ginanap sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong City ngayong Martes, Setyembre 29.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pamumuno ng kababaihan sa pagsusulong ng seguridad, katatagan, at kaunlaran sa ASEAN.

“Women’s leadership is not optional to our regional agenda. It is the core driver of our security, resilience and prosperity,” ani Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na malaki ang ambag ng kababaihan sa pamilya, komunidad at ekonomiya, ngunit hindi pa rin sapat ang kanilang mga representasyon sa mga posisyon sa pamahalaan.

Ani Pangulong Marcos Jr., kailangan ng ASEAN na gumawa ng mas maraming paraan upang mabigyan ang mga kababaihan ng pagkakataong makapasok sa mga posisyon kung saan ginagawa ang mahahalagang desisyon.

Binanggit din ng Pangulo ang papel ng kababaihan sa negosasyon at pag-unlad ng negosyo.

Aniya, mahigit 60 milyong micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ASEAN ang pagmamay-ari o pinamamahalaan ng kababaihan.

Sa ilalim ng 2026 ASEAN Chairship ng Pilipinas, sinabi ng Pangulo na pinabibilis ng ASEAN ang mga hakbang para sa digital financial inclusion at market integration upang mapalawak ang oportunidad para sa mga negosyong pinamumunuan ng kababaihan.

Hinimok din ng Pangulo ang mga bansang ASEAN na isalin sa konkretong programa at polisiya ang mga napagkasunduan sa summit. – VC