IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, isinasapinal na ang ika-5 SONA; regular na kinokonsulta ang mga pinuno ng ahensya

99
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. presided over a Cabinet meeting on Friday, July 10, where members discussed and approved the Fiscal Year (FY) 2027 National Expenditure Program (NEP) as presented by Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert De Leon. (Photo courtesy of PCO)

Tinututukan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinal na paghahanda para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa pamamagitan ng regular na pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ayon sa Malacañang.

Sa press briefing ngayong Huwebes, Hulyo 16, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na patuloy na kinokonsulta ng Pangulo ang mga pinuno ng mga ahensya upang makuha ang mga update hinggil sa kanilang mga nagawa, pangunahing programa, at mahahalagang inisyatiba.

Ayon kay Castro, isinasapinal na rin ng Pangulo ang kanyang talumpati na nakatakdang ihatid sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City sa Hulyo 27.

“Regular ang Pangulo na nakikipag-usap sa mga leader ng bawat ahensya para malaman at ma-update siya sa nangyayari. At sa ngayon po ay tinatapos niya po ang kanyang pagsusulat patungkol sa kanyang SONA speech,” ani Castro.

Kinumpirma rin ni Castro na isinasagawa na ang mga paghahanda para sa SONA.

Gayunman, tumanggi siyang magbigay ng detalye kaugnay ng seguridad at mga protocol sa pagtitipon, kabilang ang hakbang na ipinatupad sa gitna ng inaasahang mga kilos-protesta.

“Patungkol sa security at protocol, hayaan na lang natin ‘yan dahil operasyon ito at hindi isinasapubliko. Ang sinisigurado lamang namin ay handa palagi ang gobyerno pagdating diyan,” giit ni Castro.

Samantala, nilinaw din ng opisyal na ang pagpapadala ng imbitasyon sa mga dadalo ng SONA, kabilang si Vice President Sara Duterte, ay tungkulin ng House of Representatives at hindi ng Pangulo.

Nauna namang sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na tampok sa tatalakayin ng Pangulo sa SONA ang pagtaas ng local government units’ share sa national tax collections. – VC