IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nanawagan sa mga botante sa BARMM na pangalagaan ang integridad ng halalan

134
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. during the launching of Bawat Bayan Makikinabang program in Maimbung, Sulu on June 29, 2026. (File photo of PBBM/Facebook)

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pangalagaan ang integridad ng halalan at panatilihin ang kapayapaan sa kauna-unahang parliamentary elections ng rehiyon ngayong araw, Setyembre 14.

Sa isang video message, hinimok ng Pangulo ang lahat ng kwalipikadong botante na makilahok sa halalan nang may karunungan, dignidad at paggalang sa isa’t isa.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pakikilahok ng mga botante sa pagprotekta sa integridad ng mga balota.

“As you choose the representatives, you will constitute the first democratically elected Bangsamoro Parliament,” ani Pangulo.

Inilarawan ng Pangulo ang unang regular na parliamentary elections bilang mahalagang bahagi ng proseso ng BARMM tungo sa kapayapaan at demokratikong pamamahala.

Inaasahang boboto ang 2,393,202 rehistradong botante para sa 80-seat Bangsamoro Parliament.

Ang halalan ay bahagi ng paglipat ng BARMM mula sa interim Bangsamoro Transition Authority tungo sa isang halal na regional government, kasunod ng peace process na nagbigay-daan sa paglikha ng autonomous region.

Dahil dito, hinimok ng Pangulo ang mga botante na pumili ng mga lider na magpapalakas sa mga institusyon ng Bangsamoro at magsusulong ng pag-unlad sa Mindanao at buong bansa.

“May the votes that you will cast help us identify good leaders,” saad ng Pangulo.

Dagdag niya, dapat magsilbing daan ang halalan sa pagpapalakas ng tungkulin at pagkakaisa ng mga Pilipino.VC