IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinangunahan ang pagpapalaya sa 266 PDLs sa New Bilibid Prison

102
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the ceremonial handover of Certificates of Discharge to persons deprived of liberty (PDLs) that were granted pardon and parole at the Medium Security Camp of New Bilibid Prison in Muntinlupa City today, October 28. (Photo courtesy of PCO)

Aabot sa 266 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya mula sa iba’t ibang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng ika-32 National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) ngayong Miyerkules, Oktubre 28.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial handover ng Certificate of Discharge of Prison sa mga PDL na ginanap sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Ang mga PDL ay binigyan ng pardon at parole bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang siksikan sa mga bilangguan sa bansa.

Ilan sa mga pasilidad na nakiisa sa pagpapalaya sa mga PDL ang NBP, Correctional Institution for Women, Sablayan Prison and Penal Farm, Leyte Regional Prison, at Iwahig Prison and Penal Farm.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang mga suliraning kinahaharap ng mga PDL, kabilang ang pagsisikip ng mga piitan at mabagal na pag-usad ng mga kaso.

Ayon sa Pangulo, may ilang PDL na nangangailangan lamang ng tulong legal upang maisaayos ang kanilang mga dokumento at mapabilis ang proseso ng kanilang paglaya.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na nararapat bigyan ng pagkakataong magbago at makapagsimula muli ang mga indibidwal na nagkamali at humarap sa kaukulang pananagutan.

Dahil dito, ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Justice (DOJ) na tugunan ang mga naturang suliranin at isulong ang reporma sa sistema at rehabilitasyon ng mga PDL sa bansa.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. at DOJ Secretary Frederick Vida. – VC