IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa mga bagong lider ng PCG: ‘Mamuno nang may katapatan at integridad’

175
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. administers the oath of office to newly promoted Philippine Coast Guard (PCG) flag officers in Malacañang today, September 1. (Photo courtesy of PCO)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 21 newly-promoted na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na mamuno nang may tapang, integridad at malasakit sa kanilang tungkulin.

Sinabi ito ng Pangulo sa isinagawang seremonya ng panunumpa ng mga bagong flag officer sa Malacañang ngayong Martes, Setyembre 1.

Ayon sa Pangulo, mas malaking responsibilidad ang kaakibat ng bagong ranggo ng mga opisyal dahil nakasalalay sa kanilang pamumuno ang kapakanan ng maraming Pilipino, lalo na ang mga umaasa sa dagat para sa kanilang kabuhayan.

“Our Coast Guard has been out on the water, patrolling the West Philippine Sea, escorting and supporting our re-provisioning missions there, and standing beside our fisherfolk in times of distress,” ani Pangulong Marcos Jr.

Binigyang-diin din niya na ang dedikasyon ng mga tauhan ng PCG sa kanilang tungkulin ay sumasalamin sa katapangan na binibigyang-pugay tuwing National Heroes’ Day, na ginunita ng bansa nitong Lunes, Agosto 31.

Ani Pangulo, araw-araw na naipapakita ng mga tauhan ng PCG ang kanilang katapangan sa pagsasagawa ng daan-daang search and rescue operations at pagtugon sa mga tawag para sa saklolo.
Kinilala rin ng lider ang kahalagahan ng gampanin ng coast guard sa panahon ng kalamidad dahil tumutulong aniya ang mga tauhan nito sa pagliligtas sa mga pamilya at pag-abot sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong.

Dahil dito, hiniling ng Pangulo sa mga bagong opisyal na maging mabuting halimbawa sa kanilang mga tauhan, panatilihin ang integridad sa serbisyo, at ihanda ang susunod na henerasyon ng mga lider ng Coast Guard.

“Serve in a way that honors the oath you took today. Lead with courage and integrity. Always remember whom you serve. Ang bawat paglalayag at bawat pagbabantay ay para sa sambayanang Pilipino,” saad ng Pangulo.

Kabilang sa mga nanumpa sa seremonya sina Vice Admiral Rommel Supangan, Rear Admiral John Esplana, Rear Admiral Marco Antonio Gines, at mga Commodore na sina Jane Gesulgon, Jonathan Marfil, Glen Daraug, Lejanie Dy, Jerome Cayabyab, Jimmy Naisod at Joselito Maluyo.

Kasama rin sa mga na-promote sina Commodore Julian Bayawa Jr., Dann August Cariño, Richard Paragas, Cynthia Esquivias, Noemi Cayabyab, Jose Mari Cucharo, Rolando Lorenzana, Laurel Paul Mariano Jr., Eliezer Dalnay, Eric Ferrancullo at Lawrence Roque.

Dumalo rin sa seremonya sina PCG Commandant Amiral Ronnie Gil L. Gavan, Rear Admiral Jay Tariella, at iba pang opisyal ng PCG.- VC