IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: Sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang palakasin ang halaga ng piso, pababain ang presyo ng pagkain

84
Views

[post_view_count]


President Ferdinand R. Marcos Jr. vowed to defend the Philippine peso and bring down food prices as the currency sank to a record low against the U.S. dollar and inflation continued to squeeze household budgets. (Photo courtesy of PCO)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang mapalakas ang halaga ng piso at pababain ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng pagbagsak nito kontra dolyar at ang pagtaas ng inflation.

Sa isang ambush interview ngayong araw, Oktubre 28, sinabi ng Pangulo na hindi dapat mabahala sa paghina ng piso, na kanyang iniugnay sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis at epekto nito sa ekonomiya bunsod ng tensyon sa labas ng bansa.

“We do not take it with alarm. We don’t panic,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo, may sapat na paraan at mapagkukunan ang bansa upang protektahan ang currency, kabilang ang healthy foreign exchange reserves.

Matatandaan nitong Martes, Oktubre 27, nagtala ang piso ng panibagong record-low na P64.17 kada dolyar, matapos nitong unang lumampas sa P64 na antas.

Dahil sa paghina ng piso, nagiging mas mahal ang mga inaangkat na produkto, kabilang ang langis at iba pang produktong nakakaapekto sa gastos sa transportasyon, kuryente, at iba pang household costs.

Bilang tugon, sinabi ng Pangulo na mas malawak ang kakayahan ng pamahalaan na makialam sa presyo ng pagkain kumpara sa presyo ng langis.

“Because the inflation is coming from the supply-side. It’s supply-side inflation. It’s basically oil we can do nothing about. Food, we can. We are doing everything that we can to make the prices of food come here,” dagdag ng Pangulo. – VC