IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, US Pres. Trump, tinalakay ang pandaigdigang sitwasyon, seguridad at ekonomiya sa isang phone call

Michael Peronce
141
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. had a phone call with US President Donald Trump on Thursday, July 23. (Photo Courtesy of PCO)

Nagkaroon ng talakayan sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at United States President Donald Trump sa isang phone call kung saan pinag-usapan ang kasalukuyang pandaigdigang sitwasyon, kabilang na ang ekonomiya at seguridad ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 23, sinabi ng PCO na bahagi ang phone conversation sa naging pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Marcos Jr. at US State Secretary Marco Rubio sa Malacañang noong Miyerkules, Hulyo 22.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, ipinaalam ng Pangulo kay Secretary Rubio ang pinakabagong mga insidente sa South China Sea.

“The President updated Secretary Rubio on the recent incidents in the South China Sea,” batay sa pahayag ng PCO.

Tiniyak naman ni US President Trump kay Pangulong Marcos Jr. na kanyang tatalakayin ang mga hinaing ng Pilipinas sa kanyang susunod na pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

“President Trump assured President Marcos that he will take up the concerns of the Philippines in his next meeting with Chinese President Xi Jinping,” saad pa ng PCO.VC