IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas at Canada, lumagda ng mga kasunduan para sa mas pinalakas na ugnayan

110
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and Canadian Prime Minister Mark Carney witnessed the signing of the Joint Declaration of Intent on Energy and Natural Resources Cooperation, along with agreements on tourism, culture, and labor and migration. (Photo courtesy of PCO)

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney nitong Huwebes, Hulyo 2 (Canada time) ang paglagda ng mga kasunduan na naglalayong higit pang palakasin ang kooperasyon ng Pilipinas at Canada.

Sa joint press statement kasama si PM Carney, sinabi ng Pangulo na ang mga mahahalagang dokumento ay magpapalawak ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya, likas na yaman, turismo, kultura, at paggawa at migrasyon.

I am also glad to have witnessed today the signing of bilateral understandings and declarations of cooperation in the areas of energy, and natural resources cooperation, tourism, culture, and labor and migration,” ani Pangulo.

Inaasahang makatutulong ang mga kasunduan upang mapalalim ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at Canada habang sabay na pinauunlad ang kakayahan na lumikha ng kapaki-pakinabang na talent pipeline para sa hinaharap.

Kabilang sa mga nilagdaang dokumento ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Tourism Cooperation sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at Department of Industry ng Canada.

Ang MOU sa Cultural Cooperation sa pagitan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Department of Canadian Heritage.

Napagkasunduan din ang Joint Declaration of Intent on Energy and Natural Resources Cooperation, na naglalayong palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng enerhiya at likas na yaman. 

Lumagda naman ang Department of Migrant Workers (DMW) ng Pilipinas at Department of Citizenship and Immigration ng Canada sa Joint Declaration of Intent on Labour and Migration Cooperation upang higit pang paigtingin ang pagtutulungan sa usapin ng paggawa at migrasyon. – VC