IBCTV13
www.ibctv13.com

Rep. Adiong, nagpasalamat kay PBBM sa pagsertipika bilang urgent ng panukalang ipagpaliban ang BARMM elections

Ivy Padilla
114
Views

[post_view_count]

Photo by House of Representatives

Taos-pusong nagpasalamat si Lanao del Sur 1st District Representative Ziaur-Rahman ‘Zia’ Alonto Adiong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagsertipika bilang ‘urgent’ ng panukalang batas na magpapaliban sa kauna-unahang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bilang pangunahing may-akda ng panukala, binigyang-diin ni Adiong na makatutulong ito upang matiyak na maibibigay ang ‘stability, inclusivity, at genuine representation’ para sa komunidad ng Bangsamoro.

“This certification underscores the national government’s commitment to ensuring that the Bangsamoro electoral process is not only democratic but also conducted under conditions that promote stability, inclusivity, and genuine representation,” ani Rep. Adiong.

Umaasa ang mambabatas na maipapasa rin ng Senado ang kanilang bersyon ng panukala sa lalong madaling panahon kung saan nakasaad na ilipat ang BARMM election mula Mayo patungong Oktubre 2025.

Matatandaang ipinasa ng House of Representatives ang kanilang bersyon noong Disyembre 2024 na nagtutulak na ilipat naman ang nasabing eleksyon sa Mayo 2026.

“We trust in the leadership and wisdom of our colleagues in the Senate to see the urgency of this legislation and act in the best interest of the Bangsamoro people,” dagdag niya.

Tiniyak ni Adiong na nananatiling matatag ang kanilang pangakong pakikipagtulungan sa lahat ng stakeholders upang maitaguyod ang totoong adhikain ng mga mamamayan ng Bangsamoro. -VC

Related Articles