IBCTV13
www.ibctv13.com

Sapat na suplay ng pagkain sa gitna ng krisis sa Middle East, tiniyak ni PBBM; long-term rice imports, isinusulong

136
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. inspected the Pampanga Food Security Complex in Lubao, Pampanga on July 24, 2026. (File photo of PCO)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sapat ang suplay ng pagkain sa Pilipinas sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, bagaman hindi direktang kontrolado ng bansa ang giyera sa Iran at pabagu-bagong presyo ng langis, maaari namang tugunan ng gobyerno ang usapin sa suplay ng pagkain.

Sinabi ito ng Pangulo sa Kapihan sa Media sa New Delhi, India matapos ang kanyang pagdalo sa 18th BRICS Summit mula Setyembre 12-13.

“There are certain things that you cannot control, you have no influence over. You can, however, do something about food,” ani Pangulong Marcos Jr.

Giit ng Pangulo, kailangang tiyaking sapat ang suplay ng pagkain upang mabawasan ang epekto ng krisis sa mga Pilipino, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Kasabay nito, isinusulong ng pamahalaan ang isang kasunduan katuwang ang Vietnam para sa suplay ng bigas sa Pilipinas.

Sa kanilang bilateral meeting sa sidelines ng BRICS Summit, tinalakay nina Pangulong Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hung ang usapin sa pag-angkat at presyo ng bigas, at ang posibilidad ng long-term contract.

“We talked about rice and rice importation and talked about a long-term contract. We talked about pricing. Hindi pa tapos. We’ve been talking about this for a long time,” saad ng Pangulo.

Layunin ng kasunduan na matiyak ang mas matatag na suplay ng bigas ng Pilipinas at makatulong sa pagpapababa ng presyo para sa mga mamimiling Pilipino.VC