IBCTV13
www.ibctv13.com

Singil sa kuryente, bababa ngayong Oktubre – Meralco

Ivy Padilla
304
Views

[post_view_count]

Magkakaroon ng bawas-singil na P0.3587 kada kilowatt hours sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Oktubre.

Bababa ang overall rate ng isang sambahayan sa P11.4295 per kWh mula sa dating P11.7882 per kWh.

Dahil dito, asahan ang P72 na bawas singil sa mga kumokonsumo ng 200 kWh habang P179 naman para sa mga konsyumer na kumokonsumo ng 500 kWh na kuryente.

Ayon sa Meralco, ito ay bunsod ng mababang singil sa generation charge ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) gayundin ang pagbuti ng suplay ng kuryente sa Luzon grid. -VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

693
Views

National

145
Views

National

Alyssa Luciano

46
Views