
Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling payapa at maayos ang pangkahalatang sitwasyon sa buong bansa matapos ang paglipad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong The Hague, Netherlands nitong Martes, Marso 11.
As of 5:00 p.m. kahapon, itinaas ng PNP sa ‘heightened alert’ ang status ng bansa kasabay ng pag-de-deploy ng mga pulis sa mga pangunahing lugar para umaksyon sakaling may mangyaring insidente.
Tiniyak naman ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na mananatiling mahigpit ang pagbabantay ng ahensya sa seguridad ng publiko.
“The Philippine National Police continues to monitor the situation closely and is fully prepared to respond to any developments. Our personnel have been strategically deployed to ensure peace and security nationwide,” saad ni Marbil.
Bandang 11:03 p.m. nang ilipad ang dating Pangulo patungong Netherlands para harapin ang kasong may kaugnayan sa ‘crimes against humanity’ sa kampanya nito laban sa iligal na droga sa ilalim ng kanyang administrasyon. – AL