IBCTV13
www.ibctv13.com

Cardiologist Dr. Willie Ong, na-diagnose ng cancer

Divine Paguntalan
468
Views

[post_view_count]

Doc Willie Ong in a video message when he announced that he is diagnosed with cancer. (Screengrab from Doc Willie Ong/Facebook)

Malungkot na ibinalita ni Cardiologist Doctor Willie Ong sa isang video message na siya ay diagnosed ng ‘abdominal cancer’ at kasalukuyang nang sumasailalim sa gamutan.

Kwento ni Dr. Ong, una siyang nakaramdam ng sintomas noon pang Abril 2023 habang nasa isang medical mission.

“Napansin ko noong April 2023 medyo hirap na ko mag medical mission. Kapag mainit, hindi ko na kaya. Ayoko na ng mainit,” kwento ni Ong.

Nangayayat din si Ong ngunit inakala lamang na ito’y senyales ng katandaan.

Hanggang sa nakaranas ang doktor ng matindi at palipat lipat na pananakit ng likod kung kaya’t nagpatingin na ito sa espesyalista at nakita ang malaking tumor sa pagitan ng puso at spine.

Tiniyak naman ni Ong sa kanyang mga taga suporta na siya ay sumasailalim na sa chemotherapy at patuloy inaalagaan ng kanyang asawa at anak.

“Suwerte nga ako may asawa ako nagbabantay. Suwerte ako may anak ako, binabantayan ako. I’m so blessed,” saad ng Doctor.

Matatandaang tumakbo si Ong sa pagkabise-presidente noong Eleksyon 2022. – IP

Related Articles