IBCTV13
www.ibctv13.com

Pusa, mistulang ipinapakain sa isang ahas sa Masbate

64
Views

[post_view_count]

A frightened cat seen inside the cage of a snake in a private zoo in Masbate.

Viral ngayon online ang video ng isang pusa na pilit umanong ipinapakain sa isang dambuhalang sawa sa private zoo sa Masbate City.

Makikita sa video na nasa loob na ng kulungan ng sawa ang pusa na binasa pa umano ng caretaker upang mahulog malapit sa ahas.

Batay sa update ng pamahalaang lungsod ng Masbate, nagtungo na ang kanilang City Veterinarian Office sa nasabing zoo kung saan patay na manok ang naabutan nito sa kulungan at hindi ang sinasabing pusa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang LGU sa Bureau of Animal Industry Animal Welfare Division at Department of Environment and Natural Resources upang malaman kung mayroon bang permit ang naturang zoo.

Samantala, patuloy ang panawagan ng Masbate LGU sa uploader ng video na makipagtulungan sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

“We are committed in our pledge to take prompt and decisive action. Those accountable for this reprehensible act will face full weight of the law,” pahayag ng Masbate LGU. –AL

Related Articles